Friday, August 3, 2012

The Truth about RH Bill

Mga Punto sa RH Bill, sa TOTOO lang


Naalala ko nung nasa college pa ko, nag-walk out ako minsan sa isang misa. Sa mga nakakakilala sa kin ngayon, malamang ay di sila makapaniwala sa ginawa kong yun. Pero totoong nangyari yun. Ito ay sa dahil sa pagkainis ko sa pari na nangaral laban sa two-child policy at sa panukalang tulad ng RH bill na sinusulong sa kongreso noon.  Nainis ako. Sa palagay ko kasi noon e dapat nang ipasa ang ganitong uri ng batas. Marami na ang naghihirap. Marami na ang nagugutom.  At hindi rin dapat mangaral sa pulpito si father dahil di niya alam ang sinasabi niya… yan ang sabi ko noon sa sarili ko.

At sa ilang beses kong pagbabasa at pakikipagdiskusyon tungkol sa RH BILL na ngayon ay RESPONSIBLE PARENTHOOD BILL, narinig ko na marahil ang lahat ng argumento ng magkabilang panig. Ilang beses ko na ring nabasa ang bill, yung orig, yung binago, yung binagong-binago (ilang revisions na rin kasi) at ang suma total ay halos pareho pa rin ang nilalaman.


Which side are you on?


Sa puntong ito, nasa kamay na ng mga taong niluklok natin sa puesto ang desisyon kung maisasabatas ba ang RH bill o hindi. Sa Aug 7 ay magkakaroon na ng botohan sa mababang kapulungan. Pero sa kabila nito, hindi pa rin sumusuko o humihinto ang magkabilang panig para ilahad ang posisyon sa usapang ito.  Kaya nakisali na rin ako. At nais kong ipahatid sa lahat ng mambabasa kung ano at bakit ako nandito sa side na ito.


Sa post na ito ay iniisa-isa ko na ang pinakakadalasang argumento na maririnig natin galing sa mga supporters ng RH bill. Ito yung mga naka-italics. Sa baba ay ang aking komento/opinyon patungkol sa bawat isa rito. Maaaring madagdagan pa ang mga ito sa mga susunod na araw pag naalala ko pa ang ilan. Maaaring magbigay rin kayo ng komento at opinion sa aking mga naisulat, kontra man kayo o kampi. Pero sana ay basahin nyo muna rin ang lahat ng isinulat ko sa baba. I-share nyo rin sa iba kung nagustuhan at nakatulong sa inyo ang mga bagay na nakasulat sa ibaba.


1.        This bill is necessary for the protection of our women as it promotes reproductive health benefits, sex education, women and children’s rights and protection, promotion of family planning, etc.

-- Tama naman po. Ang bill na ito ay naglalaman ng mga provisions na patungkol sa proteksyon ng kababaihan, benepisyo para sa pangangalaga ng kanilang “reproductive health” maging ng iba pa nilang mga karapatan bilang babae pati na rin ng kabataan. Kung babasahin niyo ang bill na ito ay talaga namang napakaganda para sa ating mga kababaihan ng karamihan sa mga provisions nito. At sa aking pagbabasa at pagreresearch patungkol sa bill na ito, nalaman ko rin na ang karamihan pala sa provisions ng bill na ito na ay nilalaman na rin ng ilang batas na meron na ang pamahalaang ito.


Ang patungkol sa karapatan at kalusugan ng kababaihan kasama ang kanilang reproductive health ay nasa loob na ng RA 9710 o ang Magna Carta of Women na naipasa na ilang taon na ang nakakaraan. Ang RA 9262 naman o ang Anti-Violence on Women and their Child Law ay pasok din sa karapatan ng kababaihan at kabataan laban sa pang-aabuso. Ang RA 6615 naman ay batas na nag-uutos na mag-extend ng medical assistance sa mga emergency cases sa kahit sinong tao ang mga pribado at publikong ospital (kung nabasa nyo yung bill, alam nyo na kung alin dito yung redundant part din. Tama, yung mga babaeng nag-undergo sa abortion na nagkaroon ng komplikasyon, pasok na sila sa bill na ito. And yes, may term na “abortion” sa RH bill). Meron na rin tayong PD 965 na nag-uutos sa mga ikakasal na dapat mag-undergo sila ng Family Planning seminar. May RA 8504 na tinatawag na Philippine AIDS Prevention Act din (the title explains itself). Para sa mga murang gamot naman ay may RA 9502.  Meron dingExecutive Order 452 na para sa mabuti at libreng serbisyo para sa mga indigent families.


At ilan lang po yan sa mga batas na meron na po tayo (at marahil ay dapat ipatupad pa ng maayos) na naglalaman na ng halos lahat ng probisyon (maliban sa isa) na nasa RH Bill. Hindi na po marahil kailangan pa ng RH bill at DAGDAG NA PONDO para sa bagong batas para ipatupad ang mga yan.



At kung nagtatanong po kayo kung ano yung isang provision na hindi nilalaman ng ibang batas pero matatagpuan sa RH bill, ayun po ay ang PROVISION na ang gobyerno ay MAGPOPONDO para sa contraceptives na siyang ipapamigay sa mga tao. Ang sinasabing pondo na gagamitin sa RH Bill ay naglalaro sa pagitan ng 3-14 Billion Pesos at marahil ay ilang bahagi nito ang mapupunta sa pagbili ng mga contraceptives. Ang tax na pinaghihirapan ng mamamayan na nagkukulang na para sagutin ang ilang mas matindi nating pangangailangan ay babawasan pa para ipambili ng condom, pills, IUD at kung ano ano pa.



Patungkol naman sa “maternal deaths” na dapat ay talagang maiwasan na sa panahong ito, ang statistika na ibinibinigay ng mga supporters ng RH Bill na “11 deaths per day” ay outdated na po at noong 90s pa nagmula ang datos na ito. Sa paglipas ng panahon at pagusbong ng kaalaman at teknolohiya, malaki na po ang ibinaba ng maternal death rate sa bansa ayon na rin sadatos ng National Statistical Coordination Board (NSCB).


Maging sa World Health Organization (WHO) report nito lang 2010  ay nagsasabing malaki na ang binaba ng maternal death rates ng bansa at higit na mas malaki pa ang binaba kumpara sa ilang bansang progresibo gaya ng Russia, Hungary, Malaysia, Germany at Israel.


 At kung nanaisin lang natin na talagang bumaba, bakit hindi natin tanungin ang isang midwife sa Sagada, Mountain Province na isa sa pinakaliblib na lugar sa Pilipinas. Hindi ganoon kaprogresibo ang kanilang lugar maging ang kanyang pamamaraan pero nagawa niyang  maging kasangkapan para sa “Zero Maternal Deaths” at “Low Infant Mortality Rate” sa area na pinagtrabahuhan niya? Dahil dito ginawaran pa siya ng award ng United Nations. Pondo? Teknolohiya? Wala sila nun. Pero ang meron sila ay disiplina at dedikasyon para magawan nang paraan ang suliraning ito.


2.        We are overpopulated and continuously growing exponentially. And in a few years, our country will not be able to carry the whole population and our people will starve due to complete lack of resources.


-- Nakakatakot po talaga kung titingnan natin ang datos ng pag-akyat ng bilang ng populasyon ng Pilipinas.  Nasa 100 Million na tayo mahigit ngayon. Parang nung highschool more than 10yrs ago ay nasa 55 Million lang at ngayon ay doble na. Sabi ng iba ay baka sa 2020 daw ay di na tayo halos magkasya sa bansa.

Pero bakit parang sa Maynila at ilang mga urban na lugar lamang natin nakikita ang siksikang tao? Bakit sa mga karatig lugar at probinsya na lang ay tila maluluwag at malalaki pa ang lupa? At bakit marami pa ring mga bayan sa ating bansa na kokonti lang naman ang populasyon at may naglalakihang mga lupain ay naghihirap pa rin? Hindi kaya korapsyon ang dapat na bawasan?


Isa pa, totoo bang walang hanggan na ang paglobo ng populasyon natin? Subukan nating tingnan ang Total Fertility Rate. Ayon sadatos ng NSO, ang Total Fertility Rate ng bansa ay bumaba na ng todo kumpara noong 1960s sa value na 7 at ang value ay bumaba ng lampas kalahati na sa value na 3.1 noong 2008. At sa rate ng pagbaba ng TFR ng bansa ngayon, kahit wala pang RH bill ay tinatayang aabot ito sa value na 2.2 to 2.4 sa taong 2025. Dahil na rin ito sa pagbabago ng pamumuhay at kaalaman ng tao sa bansa.  Ayon na rin sa pag-aaral, ang value po ng TFR na kailangang ma-maintain o mataasan ng isang bansa para ang kasalukuyang populasyon ay mapalitan ang kanilang bilang sa susunod na henerasyon ay 2.3.


Pero sabi naman ng iba, kahit pababa ang TFR natin ay bakit pataas pa rin ng pataas ang bilang ng populasyon? Ang sagot po ay ang initial momentum na dulot ng mataas na TFR noong 60s and 70s.Kumbaga, nakapondo na tayo. Kahit pa bumaba ang fertility rate ngayon, hindi ito basta basta magdedecline agad. Gradual ito. Ang tingnan  natin ay ang rate ng growth hanggang umabot sa saturation point by the year 2040s.


Kung di pa rin maintindihan, ihalintulad natin ito sa isang kotse. Sa kanyang initial acceleration, binigyan siya ng malakas na power para tumakbo ng matulin at makatakbo ng malayong distansya.  Habang umaandar palayo, binababa paunti unti ng driver ang puwersa para bumaba ang speed. Pero habang pinapababa niya ang speed, tatakbo pa rin palayo ang kotse dahil na rin sa initial force.  At habang binibitawan ng driver ang gas, didiretso pa rin ang takbo ng kotse papalayo dahil sa nga sa initial force. At hanggang umabot ito sa distansya na kayang itulak ng pang-unang puwersa ang kotse, dun lang ito hihinto sa pag-andar. Ngayon, palitan natin yung force ng TFR, at yung distance naman yung population growth. Yan po ang dahilan kaya kahit pababa ang TFR ay tumataas pa rin ang populasyon.


Maraming bansa na rin ngayon na may TFR na mas mababa sa 2.3 at ang kanilang bansa ngayon ay nammroblema dahil sa population decline at aging (tulad ng Japan, Russia, Germany, Slovenia, atbp). Ito yung tinatawag na demographic winter na kung saan, tumanda ang kanilang populasyon nang hindi dumadami at naubusan na sila ng mga “manpower” para patakbuhin at palaguin pa ang kanilang ekonomiya. Dahil dito, ang kanilang gobyerno ay gumawa ng mga batas para “i-encourage” ang kanilang mamamayan  na mag-anak. Binibigyan nila ng benepisyong dagdag para magparami ang mga tao. Ang mga bansang ito ay progresibo na. Paano kung sa atin mangyari ito at mapabilis ng RH Bill na ibaba ang ating TFR na bumababa naman naturally? Pinagmamalaki ng gobyernong ito ang pagangat ng ekonomiya at ito ay napapansin na nga ng ibang bansa. Hindi ba kaya umaangat ang ekonomiya natin dahil angating mamamayan ang sumasalo ng trabaho sa mga bansang ito na nagkukulang ng manpower sa pamamagitan ng OFWs at BPO sa bansa? Ito ang ating bentahe sa kanila ngayon. At aalisin ba natin?


3.        The people have the right to informed choice. People must choose for themselves.


--  Naniniwala ako na dapat talaga,alam ng bawat isa sa atin ang pagpipilian at may karapatan tayo na pumili ng nararapat para sa ating mga sarili. Kaya nga may mga batas nang naipatupad tulad ng nabanggit sa number 1. Marami na ring mga palabas sa tv na ito ang tinuturo.  Ilang NGOs na rin na ito ang adbokasya.


Kung titingnan din natin ang mga diskusyon patungkol sa batas na ito, libo libo o milyon milyon pa siguro na mga Pilipino ang nagdidiskusyon patungkol sa RH Bill. Dito ay makikita natin na marami na talaga ang “INFORMED” kahit wala pang RH bill. At yung choice, matagal nang meron din ang bawat isa dahil wala naming batas na pumipigil sa tao na gumamit ng contraceptives. Pero sa oras na maipasa ang batas, ke ayaw ng isang tao na gumamit ng contraceptive o hindi, labag man sa kagustuhan o paniniwala niya, gagamitin ang kanyang buwis para ipampondo sa contraceptives at mabibigyan siya ng mga ito sa ayaw niya o sa gusto.  Sa huli, mas mawawalan pa nga tayo ng choice sa oras na maisabatas ang RH Bill.


4.        Contraceptives must be accessible for the people and they must have the rights to use it.


-       Tulad ng nabanggit sa number 1, may mga batas nang patungkol sa Family Planning. Kaya nga may mga health centers nang nagpprovide ng family planning seminars and consultations at nagbibigay din ng mga free contraceptives ang ilan dito. At kung accessibility lang din ang paguusapan, pumunta lang sa pinakamalapit na convenience store at makakabili na ng ilan sa mga ito.


At sa may mga gustong gumamit nito, wala naman talagang batas na nagpipigil ng paggamit nito. Gamitin nila kung gusto nila lalo’t kung hindi ito labag sa kanilang paniniwala.  Pero sana naman eh bumili sila ng sarili nila. At kung wala silang pambili, magpigil pigil naman sana sila. Huwag naman sanang asahan na sasagutin pa ito ng gobyerno para sa kanila.  Wag rin nilang i-asa na galing pa sa bulsa ng mga taong labag ang kalooban at sa kanilang paniniwala ang paggamit ang pambili nila ng contraceptives. Kung ito ang pagkagastusan ng gobyerno ng ilang bilyon habang nagrarally ang maraming estudyante na nananawagan ng dagdag na pondo sa edukasyon, habang kulang ang pondo sa programang pag agrikultura, habang kulang ang pambili natin ng gamit at armas ng AFP, hindi kaya dapat isantabi ang pagprioritize sa budget para sa mga contraceptives?


5.        RH Bill prevents abortion.


          --     Maraming debate patungkol dito, kung kelan nagsisimula ang buhay. Depende kung saang side ka nanggagaling kung alin paniniwalaan mo.  Kung sa fertilization nga ba nagsisimula ang buhay o sa implantation.


Ganito na lang siguro. Karamihan kasi sa mga pills, ay may mga actions na ginagawa sa loob ng matris ng ating mga kababaihan. 2 ang pineprevent nito, una ay ang mafertilized ang egg, pangalawa ay panipisin ang wall o kaya ay mag-secrete ng maraming mucus para ang fertilized egg ay hindi kumapit o kaya ay humina ang kapit hanggang sa tuluyang mawala ang fertilized egg.


Sa akin kung ako ang tatanungin, yung fertilized na egg ay isang nilalang nang may buhay. Kung sa iba ay hindi, nasa paniniwala naman nila yun. Pero yung ikalawang aksyon ng pills na iniiwasang kumapit o pinapahina ang kapit ng fertilized egg, ito na yungABORTIFACIENT character na tinatawag dun sa mga pills. Maaaring sabihin ng iba na “hindi pa naman kumapit”, pero paano yung nakakapit pero mahina lang kaya tuluyan rin nahulog pagkatapos? So hindi tayo sigurado kung anong “aksyon” ang nangyari sa loob. Lumalabas na hindi tayo sure kung may bata ba tayong napatay o wala. Hindi dapat sinusugal ang buhay kahit kelan.

Labas naman sa technical na usapan ay sa usapin ng psychology.  Ang konsepto ng “contraceptive” ay laging karugtong ng “abortion”. Hindi ba’t kaya ginagamit ang contraceptive ay para mapigilan ang “unwanted pregnancies”? Halos lahat ng mga contraceptive ngayon sa merkado ay walang 100% assurance na makakaiwas ng pagbubuntis. Sakaling matyempuhan ang isang babae na pumalpak ang contraceptive, ang resulta nito ay “unwanted pregnancy” pa rin, at dahil unwanted, may ilan pa rin na magtatangka na ipa-abort ito. Patunay ito sa resulta sa mga bansang may batas nang tulad ng RH Bill ay karamihan sa kanila ang sabay na pagtaas ng paggamit ng contraceptive at pagtaas ng bilang ng abortion tulad ng US, Cuba, Sweden, Denmark, Singapore, South Korea atbp.

Maaaring sabihin naman na kahit illegal ang abortion sa Pilipinas ay may gumagawa pa rin. Ganon din naman ang pagpatay, pagnanakaw at kung ano ano pang krimen. Pero tulad ng isang nagpaabort, ang isang magnanakaw pag nabaril, karapatan pa rin niya na maipagamot siya bago siya maparusahan sa krimeng kanyang ginawa.



6.        RH Bill is needed to prevent further spread of HIV, AIDS and other STDs.

--  Tulad sa number 1, may batas na po tayo na nakatutok po specific sa bagay na ito. Ang RA 8504 or ang "Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998." ang komprehensibong batas na ginawa para mabawasan at maibaba ang bilang mga taong nagkakaroon ng sakit na ito. Lahat ng provisions na patungkol sa AIDS/HIV na nasa RH Bill ay nakapaloob na ditto at mas marami at mas kumpleto pa. Kailangan na lang sigurong ipatupad ng mas maayos o kung gusto man nilang repasuhin ay puede naman kung gugustuhin nila.


7.        Catholic Church opposition is the only argument that anti-RH people have.

--  Ayon na rin sa mga nabanggit sa taas, hindi lang ang aral ng Simbahan ang batayan ng paglaban sa RH Bill, mas marami pa nga ang secular, scientific, constitutional at logical na mga dahilan para hindi ito maisabatas. Kadalasan, pag may RH bill na topic, kahit hindi nababanggit ang Simbahan ay makikita sa mga komento ang salitang “bishops, catholic, church, pari,pope” tapos may katabing mga salitang “damaso,pajero, bigot, hypocrite, makitid” at iba iba pang masasamang salita kahit wala naman sa istorya yung simbahan.


Ito ay marahil na rin sa ang Simbahang Katoliko ang pinakavocal na lumalaban sa RH bill at sa kabila naman, ang Simbahan rin ang nakikita nilang pinakamalaking hadlang at ito rin ang pinaka madaling gawing “poster boy” para kumampi ang mga tao sa RH Bill. Alam naman natin na marami rin ang galit sa Simbahan.

Pero sa kabila nito, hindi matatawaran ang dami ng mga tao at secular groups na laban sa RH Bill. Pero ito ay kadalasang isinasantabi ng mga proponents ng bill at ang patuloy lang na sinasagot nila ay ang mga argumento ng Simbahan. Don’t get me wrong. I stand and I believe in the Church’s side on this matter. But of course, pag argumentong pang Simbahan lang ang pinagusapan, mae-alienate ang mga hindi katoliko at maaaring magbunga ito ng hindi pagkakaunawa sa tunay na nilalaman ng RH Bill sa kanila at maaaring magbunga pa ng pagkampi nila sa panukalang ito sa dahilang ayaw lang nila sa anumang bagay na may relasyon sa Simbahang Katoliko.



8.        RH Bill will make people responsible, become good parents and make their lives better.


--  Sa dinami dami ng magagandang provisions na nasa loob ng RH Bill kung ito ay ating babasahin, talaga nga sigurong maganda ang magiging bunga ng mga ito. Yun nga lang, dahil nga naulit lang sa ibang batas ang laman nito at mas kumpleto pa sa iba tulad ng nabanggit sa number 1, hindi na kailangan pang isabatas ang naisabatas na.

At tulad ng nabanggit na rin sa number 3, matalino na ang mga Pilipino ngayon. Sigurado ako na magtanong ka kahit kanino kung gusto ba nila na mag-anak ng marami, ang isasagot ay hindi dahil mahirap ang buhay. Pero meron pa rin namang mga pamilya na malalaki at nagdadaan sa hirap ngayon. Marami akong kakilala. Makakatulong ba sa kanila ang RH Bill para umangat sa buhay? Malaki na ang pamilya nila eh, ang kailangan nila ngayon ay trabaho at edukasyon, hindi na condom.


Yung mga anak nila ang dapat nating alagaan. Bigyan ng tamang edukasyon para maging responsableng mamamayan. Hindi sex education ang sagot para maging responsable sila sa buhay. Ilan ba sa atin (lalo na sa mga magbabasa nito) ang dumaan sa formal sex education? Malamang ay konti lang o wala. Kahit ako hindi e. Pero alam ko naman kung paano maging responsable at ganoon ka rin na bumabasa ng article na ito. Pareho lang tayo, dahil nakapag aral tayo, dahil nagabayan tayo ng magulang natin ng maayos, alam natin kung ano ang tama at mali. Responsible Parenthood bill? Walang pinagkaiba yan sa RH Bill kung babasahin. Title lang po halos ang binago at ilang mga pagbabago sa ilang probisyon.


Isa pa, hindi lang naman sa mahihirap ang nagkakaroon ng mga iresponsableng mga tao pagdating sa usaping sekswalidad. Maging sa mga alta-sosyedad, mga pulitiko o mga professional na tao ay nagkakaroon din ng problemang ganito.  Pero sigurado po ako na ang isang taong may laman ang tyan at may laman ang utak ay mas makakapag isip at makakakilos ng tama bilang isang mabuting mamamayan kesa sa isang taong gutom at mangmang.


Kaya ako po ay nagpapasalamat sa mga pro-RH bill people lalo na kayong may tapat at may busilak na hangarin sa pagsuporta sa panukalang ito. KAYO po ang aking PATUNAY sa buod ng aking isinulat sa itaas. Dahil kayo po mismo na hindi nakaranas ng RH Bill ay alam kung ano kabutihan ng pagpplano sa buhay. Alam ninyo kung paano maging responsableng magulang at paano maging isang responsableng mamamayan.  Kayo po ang patunay na ang RH BILL ay isang panukalang HINDI NA NATIN KAILANGAN para mapabuti ang kaisipan at kalagayan ng ating mga mamamayan. Ang kailangan natin ay edukasyon at disiplina. Salamat at mabuhay po tayong lahat.

-- No to RH Bill

Source: The Ignored Genuis

Reproductive Health Includes ABORTION





How to Waste Money 101: The RH Bill



Thursday, August 2, 2012


Unheard of reasons why I am against the RH Bill


Posted May 27, 2011 by teachertwish

Conversations with pro-RH and watching debates on TV made me realize these new reasons why I’m against the RH Bill:

1) It condones negligent parents by saying: “Parents are irresponsible. Who else will teach the children on sex? The Government needs to intervene.”
2) It also condones corruption in government: “Alam naman nating mahirap pugsain ang corruption sa Pilipinas. When else will we start helping the poor?”
3) It demeans the ability of the poor to practice discipline in NFP. “Natural doesn’t always seem to work for the very poor that’s why they have 6-11 children :) ” – Karen Davila
4) For the sake of choice, the pro-RH wants the poor to choose between natural and Group 1 carcinogens (contraceptive pills), and provide the latter for free.
5) The pro-RH are “not aware” of the abortifacient nature of contraceptive pills. Their comment? “In my opinion, they are not abortifacients.” Now medicine has become a matter of opinion. Add to that the opinion on where life begins.
6) The pro-RH will always downplay the obvious connection of contraception and abortion as if they are two different advocacies in the real pro-life stand. They will not answer the question of Plan B if contraception fails.
7) Rep. Hontiveros’ idea of sex education is contradicting: A – bstinence, B-e monogamous, and C-ontraception. Why put abstinence and contraception together? Why A if there is C? Why C if there is A?
8 ) Carlos Celdran is one name-calling pro-RH. No need to elaborate. (Rep. Hontiveros needs to tame him down.)
9) The pro-RH camp would last resort to destroying the person (and the Church) in their defense. These politicians do not know how to engage in a sustained reasonable debate. Can they just stick to the issue?
On NFP.
Pro-RH: “If it is so great, then why hasn’t the church teach about it with vigor like what they’re screaming about it now?”
Me: “Naku, you put in the Church na into our discussion. I wanted to keep the Church out of it. Now that you mentioned it, let’s put the Church in.”
Pro-RH: “My bad. I thought your linking it to there stand [sic].”
10) “Iba ang moralidad niyo sa moralidad ko.” – Dr. Sylvia Caludio. Aba! Then why should we let you impose your morality that contraception and abortion are okay on us? Dr. Claudio by the way is the chairman of WGNRR, an organization that supports abortion. “[Dr. Claudio] and her org can promote it all she wants. I don’t, and will not start advocating it.” – Ms. Lea Salonga.
11) The RH Bill is filed under the Commission on Population and Development. But they push on health benefits. It should then be files under Health, di ba? I smell something fishy.
Why I support the Catholic Church in its fight against the RH Bill:
1) The Church believes that the poor are human persons who are capable of practicing discipline.
2) She has been consistent in her arguments against the RH Bill. There is no need for strategy changes.
3) They protect the real essence of the woman, her uterus, by keeping the dangerous pills from destroying it.
4) The Church does help save the women’s lives by not promoting Group 1 carcinogens (e.g. contraceptive pills).
5) She supports PNoy’s slogan: “Kung walang corrupt, walang mahirap.”
6) The pronoun for the Catholic Church is actually female.
7) The Church has always been pro-poor: Caritas. Visit the website, you’ll see the programs for the poor there. Some Catholics are active also in helping the poor: Gawad Kalinga.
A brief message for those who claim themselves to be Catholics but are pro-RH: Have you read the Catechism of the Catholic Church? For sure, you haven’t. I suggest you read it. It’s very reasonable. It is “faith seeking understanding.” Then, and only then, can we have a decent discussion involving the Church without destroying its credibility.
I am entitled to my own realizations, and these are just based on my experiences. For sure there are exceptions to these instances. When I sound like I am generalizing, I am only referring to the people I had been exposed to.
My blog, my rules. For a change, comments section will only be dedicated to understanding the side of those against the RH Bill. This blog will be dedicated to fully understanding the Anti-RH Bill side. I expect questions about and supporting facts for the Anti-RH stand in the comments section. Any comment posted that doesn’t follow the rules will not be posted. ☺
Cheers!


Here’s How the Father of Lies Operates:


First the Dark Lord tells everyone that marriage doesn’t matter. “It’s only a piece of paper!” they cried. He encourages promiscuity, sexual ‘freedom’, adultery, fornication and co-habitation. “Marriage? What’s Marriage? Just an outdated institution to keep women barefoot and pregnant and in the kitchen.” Let’s get rid of marriage. Let’s make divorce no-fault, cheap and easy. Marry as many times as you want, but marriage? It’s only a piece of paper.
Once that lie is firmly established simply shift it the other way around. “Marriage? We all want to be married!” Women want to marry each other. Men want to marry each other. Marriage is wonderful! Why are you denying me the right to be married! I want to be married too! I deserve to be married! I want to be married and spend the rest of my life with the person I love! Marriage! Marriage! It’s a wonderful thing marriage! We all want to be married!
This is the tactic: First destroy the sacred, the beautiful and the true, then once you’ve replaced it with a lie make sure everyone wants it. The same thing happened with ordination. “The Church is clerical! All those clergy! We want to de-clericalize the church! Get rid of the hierarchy! Don’t you know the Bible teaches the ‘priesthood of ALL believers! You don’t need a priest to confess. You can go straight to God. Those priests! They’re all misogynistic pedophiles! Priests! Creepy old guys in dirty cassocks. Yucch! Who wants to be a priest? Nobody. Seminaries are empty. Good. Ordination is outdated…”
Then the proponents of women priests say, “Why can’t we be priests? We want to be priests too? How can you deny our gifts? We want equal rights! We should be ordained too. We should be priests. How can you deny married men the priesthood? Don’t you know the first priests were married? Don’t you know there is evidence that there were women priests in the early church?? I mean there is a picture of a person in the catacombs who might be a woman who has her hands raised in prayer just like a priest!!!”
That’s why you have to stick to the truth. You start giving in to the protesters–the people who scream and bitch and moan and complain? As soon as you do they’ll turn the tables and get you for exactly the opposite fault.
Don’t appease bullies–especially if they’re being nice.

Priests for Life announces it will defy HHS mandate: goes into effect today

BY BEN JOHNSON

NEW YORK, August 1, 2012, (LifeSiteNews.com) – The HHS mandate goes into effect today for businesses and non-religious employers, but one organization has already announced it will not comply.
Fr. Frank Pavone, national director of Priests for Life.
Fr. Frank Pavone, national director of Priests for Life.
Fr. Frank Pavone, national director of Priests for Life, said that while that organization “advocates the observance of all just laws…I want to make it clear to you today that we will disobey this mandate.”
In a letter setting forth official policy on the matter, Fr. Pavone wrote, “Neither Priests for Life as an organization, nor any one of our administrative team or Board of Directors, nor I personally, consent to provide, pay for, advocate, counsel, refer, or in any way tolerate or cooperate with any process, plan, exchange of money or services, or any other activity that would enable a person to engage in the use of abortion-inducing drugs, contraception, or sterilization.” 

The group does not qualify for a one-year exemption available to religious organizations to “adapt” to the mandate. “We are not ‘religious’ enough for this administration,” he said.

Faced with the option of violating its conscience or incurring fines up to $100 a day per employee beginning today, Priests for Life is standing by its convictions.

“Whether or not the government decides to eventually impose fines on us when our health insurance policy is renewed in a few months is not the issue,” Fr. Pavone wrote. “The issue is that as of today, as far as the government is concerned, we have to provide health insurance coverage for practices that are morally objectionable.”

The pro-life Catholic group had long signaled its impending defiance of what it considers an unjust and unconstitutional law.
“We don’t need a year, nor do we need a moment, to determine what we are going to do, or to ‘adapt’ to the rule,” Fr. Pavone said early this year. “You don’t adapt to injustice; you oppose it.”

The organization sued the Obama administration in February. The administration is expected to file a motion to have the lawsuit dismissed today, something Fr. Pavone says will fail. 

The victory of Hercules Industries over the administration’s lawyers in obtaining an injunction against the HHS mandate gives Priests for Life reason for optimism. The ruling, made by a Carter-appointed judge who served in the Peace Corps, established that a private employer may have legal standing to object to the mandate on statutory grounds.

Tuesday, July 31, 2012

Thought For The Day: Duty


"When injustice becomes law, resistance becomes duty." 
- Thomas Jefferson